Pante

PANTE

Ang pante ay gillnet sa Ingles ang tawag
Pero para sa aki'y mali't hindi dapat
Sa Tagalog kasi ang gill ay ang hasang
Ang pante ay hindi para sa hasang lang
Ang isda sa pante din ay sumasabit
Hindi lang sa hasang kundi sa palikpik

Super habang volleyball net ang nito'y tulad
Walang poste magkabila, basta nakaladlad
Mayroong palutang, mayroong pabigat
Para palaging vertical, laging nakalawit
Na parang kurtina sa gitna ng tubig
Ang isda na sumuong, tiyak na sasabit

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Related quotes

Pamamaril

PAMAMARIL

Pamamaril ng isda ay maaring gawin
Sa pamamagitan ng baril na de hangin
O ng de pulbura, low or high caliber
At saan ba ito puwedeng isagawa
Maaring sa ilog, sa look o sapa
Any body of water na mayroong isda

Nang ang tilapia ay di pa dumadating
Palagi nang dalag ang siyang nababaril
Para ang hunter ay di kita ng isda
Ng camouflage or blind, siya ay gumagawa
Sa tibag, sa puno, siya ay pumupuwesto
Minsan ay sa tiyakad na ang paa'y tatlo

Ang dalag kahit na hindi tamaan mo
Ng dahil sa shockwave siya ay nahihilo
Bago magkamalay dapat damputin na
Kung lalim ang tubig ay sisisirin pa
Mayro'ng disadvantage, ang resulta'y pasma
Kay tagal na bilad, biglang lulublob pa

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Ang Aming Magulang

Sa isang mag-anak ay meron pa kaya
Na sa ama't ina'y higit pang dakila
Na kahit sa angkang mahirap nagmula
Ang para sa anak, lahat ay ginawa

Sa paaralan ay di man nakatuntong
Mataas na aral di man nagkaroon
Binigyan ang anak ng pagkakataon
Na sa kahirapan ay mangakaahon

Di man napatira sa bahay na mansion
Ng malaking yaman di man nakaipon
Ang yaman nila ay sa anak naroon
Wala sa salapi kundi edukasyon

Ang amin pong ina ay tubong Montalban
At ang aming ama'y San Mateo naman
Ng anim na anak ay biniyayaan
Hanggang sa lumaki'y pawang ginabayan

Sa tamang ugali sila ay hinubog
Marunong magtiis kahit kinakapos
Mga pinalaki na mayroong takot
Sa batas ng tao at batas ng Diyos

Nang ako'y bata pa, natatandaan ko
Ang aming almusal lamang ay kung ano
Pan de sal na simple at walang palaman
Kapeng walang gatas lamang ang kasabay

Kung bakit gano'n lang, di dapat pagtakhan
Ay sadyang matipid ang aming magulang
Di ubos-biyaya kung may tinago man
Ang bukas ang laging pinaghahandaan

At tanda ko pa rin na kapag Deciembre
Sa Divisoria na sila'y namimili
Ng tela, damit at iba pang kalakal
Upang ipamalit ng tag-aning palay

Kaya laging puno yaong aming bangan
May pambentang bigas at panglaman sa tiyan
Hindi man marangya ang hapag kainan
Sumala sa oras, kami'y hindi naman

Noong Second World War, hinuli ng Hapon
Ang aming ama at saka ikinulong
Tumingin sa amin habang wala siya
Ay ang aming ina at wala nang iba

Nagawa niya iyon habang inaalam
Ang aming ama ba'y naroon kung saan
May dalang pagkain na pangtawid-gutom
Para sa 'ming ama na hindi matunton

Ginawa niya iyon lakad-takbo lamang
Sa panahong iyon na walang sasakyan
Hindi iniinda ang init ng araw
Ng tungkol kay ama'y makabalita lang

Ang pasasalamat namin ay sa Diyos
Nang higit sa isa, dalawang linggo halos
Ang aming ama ay bigla lang sumipot
Yayat na katawan may sugat at galos

Ikinuwento niya hirap na sinapit
Sa kamay ng mga sakang na pa'y singkit
Dahil daw sa gutom at matinding uhaw
Sila'y nagsiinom sa isang 'dirty' bowl

Sa bawat pamilya ay may'rong bayani
Na ng karangalan ay dapat umani
Sila'y walang iba kundi ang magulang
Na dapat mahalin at ating igalang

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Ang Itlog ng Manok

Sa siwang ng sahig, si Totoy nakasilip
Sipong tumutulo, kulapol sa sahig
Umupo, dumapa, tumuwad, tumindig
Merong hinihintay, parang naiinip

Sa kanilang silong, may bigkis ng damo
Pakain ng Tatay niya sa kabayo
Sa gitna ng damo ay mayroong itlog
na butas ang dulo at guwang ang loob
Dating laman noon, wala kahapon pa
Sinipsip ni Totoy ang puti at pula
Pero bakit naro'n, ano ba ang silbi?
Iyon ay decoy lang o isang pangati
Upang ang manok ay umitlog, mawili

Hindi natagalan, may manok na dumating
Titinga-tingala, isang talisain
Ang puso ni Totoy ay biglang pumitlag
Hindi mapakali na tutuwad-tuwad
Sa bigkis ng damo, manok ay umakyat
Kuntentong umupo, kumakakak-kakak
Walang anuano, 'Putak, putak, putak! '
Si Totoy naman ay nanaog kaagad
Kung ano ang bilis ng kanyang pagbaba
Gano'n din pag-akyat na rumaragasa

Eto na, ang kapitbahay ay dumating
Ang napagtanungan ay si Totoy na rin
'Totoy, narinig kong manok ko'y pumutak,
Kanya kayang itlog, saan inilagak? '
'Ay naku po Tiya, hindi ko po alam,
sapagka't ako po ay kagigising lang.'

Neighbor ay umalis, parang nayayamot
Manok niya'y pumutak, pero walang itlog
Ang itlog na paksa't pinag-uusapan
Nandoon sa kalan na at nakasalang
Na para kay Totoy, meryendang malinaw

Ay naku, si Totoy, bata pang maliit
Kapag sa tsibugan talagang matinik
Ang itlog ng manok niyang kapitbahay
Kanyang nilalaga at pinapatulan

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Bumbon

BUMBON

Ang Bunbon ay tirahan ng mga isda
Na hindi natural, tao ang may gawa
Sa gitna ng ilog, doon nakababad
Do'n sa walang agos, meron ma'y banayad
Composition nito'y sari-saring sukal
Na mahahagilap sa kapaligiran
Sanga, siit, bato, palapa ng niyog
At kahit na anu-ano pang kuyagot
Sa paligid nito ay may mga tulos
Paglipas ng mga linggo't mga araw
Pag sa akala ay isda na'y may laman
Na nasa ilalim, do'n naninirahan
Ang bumbon, ng baklad ay papaligiran
Ang sukal sa loob na ay hahawanin
Nakulong na isda saka huhulihin

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Anak

Nag- iisa ka na lng ANAK sa buhay ko...
Ayaw na kitang mawala pa...
Kahit malayo man si MAMA,
Ikaw pa rin asa isip ko...

Buhay ko ang alagaan ka,
Katulad ng pag aalaga ko sa Ate mo...
Pag may hinaing ka, si MAMA naghihintay lang na sabihin mo..
Wag iiyak, tawagan mo lang ako,
Mag usap tau para na ring asa tabi mo..

Paglaki mo ANAK ko, maiintindihan mo bat ako lumayo,
Hindi para sa sarili ko lang para narin sa iyo,
Ang MAMA mo naghahanap buhay para sa kinabukasan mo,
Naging ganito man katayuan natin, lagi ikaw pa rin ang sandata ko..

For my son TJ..

poem by Donna DelizoReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Tao Lang

Uy si Loonie Yun ah
Tara lapitan natin
Idol Fliptop tayo
Tara isa lang kuya, sige na

Parinig naman ng rap mo! sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo! arbor nalang yan
Ang yabang mo naman! wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo? Ha?
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
Wag sanang apurado, anong magagawa ko?
Wala akong maisip, masyado pang mainit
Akala mo tuloy mukhang suplado pag tahimik
Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao
Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman
kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
Laging puyat! Nagkalat ang papel na nilamukos
Andame ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking bolpen, malapit ng maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos.

Hook:
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang.


Pasensya na, tao lang


Sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda
Lumakad humakbang hanggang sa madapa
Wag kang mawawalan ng pag-asa, wag kang madadala
Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya wag kang matakot magkamali
Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali
Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sakin ni inay na kadalasan ay
hindi nasusunod
Ayoko ng sumali, gusto kong manuod
Minsan wala ng gana, ayoko ng magrap
Kase akala ko dati, alam ko na lahat
Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis.

Hook

Pasensya na, tao lang


Pero di ba tao ka lang din, hindi mo ba napansin?
Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti, bakit ganun pa din?
Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin
Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang g'anong alam
Ano magagawa mo? Tao ka lang
Napapagod, natatakot, naiinip
Natatawa, nagtataka, naiinggit
Nangangawit, nagagalit, nabibigla
Nalulungkot, nauutot, nahihiya
Natutukso, nakukonsensya, nauubusan din ng pasensya
Nasasaktan, nagmumura pero nagmamahal pa rin kahit natuto na.


Hook

Pasensya na, tao lang

Pasensya na, sorry naman
Kung pwede lang sanang isoli na lang
Pasensya na.

poem by Sirius WhiteReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Akala

(Chito)
Akala ko iced tea, yun pala beer,
Akala reverse yun pala second gear,
Akala ko kasya yun pala hindi,
Akala ko tama yun pala mali...

(Vinci)
Akala ko hiphop yun pala metal
Akala ko batis yun pala kanal
Akala ko toothpaste yun pala glue
Akala ko verde yun pala blue

(Gab)
Akala ko tsinelas yun pala sapatos,
Akala ko umabot yun pala kapos,
Akala ko bukas yun pala kahapon
Akala ko mamaya yun pala ngayon...

(Chito)
Akala ko alam ko na ang lahat
Ng dapat kong malaman ngunit
Mali na naman, pero ok lang yan...

Wag kang matakot na baka magkamali
Walang mapapala kung di ka magbakasakali
Dahil lumilipas ang oras, baka ka maiwanan
Kung hindi mo susubukan...


(Din2)
Akala ko chicken yun pala asado
Akala ko bukas pero yun pala sarado
Akala ko mansanas yun pala banana
Akala ko meron pa, yun pala wala na

(Darius)
Akala ko foreign yun pala pinoy
Akala ko blackjack yun pala pusoy
Akala ko talo yun pala panalo
Akala ko si chito, yun pala ako

(Chito)
Akala ko dati walang mangyayari
Akala din nila ngayon wala silang masabi
Akala ng lahat mapapagod din ako
Mabuti nalang matigas ang aking ulo

Akala ko walang mapupuntahan kahit na di mo paghirapan ngunit,
Mali nanaman, kung hindi mo sinubukan sana'y hindi ko na nalaman
Eh di nasayang lang

Wag kang matakot na baka magkamali
Walang mapapala kung di ka magbakasakali
Dahil lumilipas ang oras
Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

Wag kang matakot na baka magkamali
Walang mapapala kung di ka magbakasakali
Dahil lumilipas ang oras
Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

poem by Sirius WhiteReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Dala

DALA

Ang dala ay lambat, malapad at bilog
May mahabang lubid na pinaka-buntot
Ang dulo sa kamay ay nakapulupot
Para laging hawak kahit na lumubog
Hawak pa rin kahit malayo'ng inabot
Sa laylayan ay mga tinggang pabigat
Para pag inihagis ay lulubog agad
At para ng isda ay di maiangat
Ang iba kung minsan ay meron pang kuuko
Lupi sa laylayan para isda'y recohido

Bago ito maihagis ay hinahati muna
Sa tatlong parte ang laylayang may tingga
1/3 sa isang kamay,1/3 sa kabila
1/3 ay sa sikong kaliwa o kanan
Siyempre'y hindi hawak, nakasanpay lamang
Saka ihahagis, todo't ubos-lakas
Ng dahil sa buelo, buka ay malapad

Paggamit ng dala ay papaano ba
Merong naglalakad, merong namamangka
May nag-aabang ng pagpusag ng carpa
Sa water lily na inihanda nila
Water liling "bumbon", merong mga tulos
Sa dulo'y may lata ng gatas, nakasaklob
Pagpusag ng karpa, mga ito'y kumakalog
Sa dilim ng gabi, ng mandadala'y matatalos
Na meron nang carpang nagsasabog ng itlog

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Elmer

Ito ay bayan ni juan
Hindi bayan ni run
Dumating pa sa puntong
Ang braso ay may bayanihan
Bago magkalimutan
Wag magsapilitan
Walang papalitan
Hindi 'to katatawanan

(chorus)

Wag kang maniniwala sa paligid mo
(Hindi lahat ay totoo)
Mga naririnig at nakikita mo
(Isa-isang isipin 'to)
Piliin mo ang iniidolo
(Mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
Kung ika'y makata sa pinas

Kamusta ka na idol
Ako nga pala si Elmer
Ikaw ang aking idol
Ang idol ko na rapper

Mula nang marinig ko
Ang kanta mong simpleng tao
Ako ay nabaliw nung
Nilabas mo pa yung lando
May bago ka bang album
Penge naman ng kopya
Meron ako nung luma
Ang kaso nga lang pirata
Sumusulat din ako
Marunong din akong mag rap
Gusto mo ipadinig ko sa'yo
Wag kang kukurap
Di lang ikaw ang idol ko
Pati rin yung stickfiggas
Bihira lang kasi
Sa pilipinas ang matikas
Mabilis kang magsalita
Pero gangsta ka ba
Meron ka na bang baril
Nakulong ka na ba
Ako rin hindi pa
Pero bukas baka sakali
May gang doon sa amin
Susubukan kong sumali

Basta tandaan mo lang
Ang pangalan ko ay Elmer
Ikaw ang aking idol
Ang idol ko na rapper

(chorus)

Wag kang maniniwala sa paligid mo
(Hindi lahat ay totoo)
Mga naririnig at nakikita mo
(Isa-isang isipin 'to)
[ From: ]
Piliin mo ang iniidolo
(Mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
Kung ika'y makata sa pinas

Gloc9 anong balita
Narito ka rin pala
Buti napadaan ka
Magpapatatoo ka ba
Nakita mo ba 'to
Ang mga bago kong tatoo
Mas maangas daw ang rapper
Pag marami kang tatoo
At makabayan ang dating
Isa pa cool ka
Nagpalagay ako ng watawat
May flag pole pa
Kasi sasali ako sa pa audition
Ng isang rapper
At maging isang artist
Sa kanyang bagong record label
Ilan ba ang natanggap
Siguro mga singkwenta
Binigyan kami ng ticket
Para daw aming ibenta
Medyo malabo ang sabi n'ya
May album pa
Eh bakit hindi n'ya malabas
Ang album n'ya
Ah baka naman busy lang
Kaya pare easy lang
Kasi mga mayabang lang
Ang mahilig magbilang

Pero sana maalala mo
Ang pangalan ko'y Elmer
Ikaw ang aking idol
Ang idol ko na rapper

(chorus)

Wag kang maniniwala sa paligid mo
(Hindi lahat ay totoo)
Mga naririnig at nakikita mo
(Isa-isang isipin 'to)
Piliin mo ang iniidolo
(Mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
Kung ika'y makata sa pinas

Ito ay bayan ni juan
Hindi bayan ni run
Dumating pa sa puntong
Ang braso ay may bayanihan
Bago magkalimutan
Wag magsapilitan
Walang papalitan
Hindi 'to katatawanan

poem by Sirius WhiteReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Nanay

Lahat na kabutihan ay nasa iyo
Pagmamahal mo sa ami'y wagas at hindi nagbabago
Pag-aruga mo'y walang makakapantay
Paggabay mo sa ami'y walang humpay.

Ina, sa iyo'y wala nang hihigit pa
Kahirapan ay hindi mo kailanman ininda
Buhay mo'y ipinuhuna't ipinusta
Mabigyan mo lang kami ng magandang bukas at ginhawa.

Sa pag-aaral nami'y hindi ka nagpabaya
Sa dami ng mga pangangailangan, alam naming nahirapan ka
Ngunit kahit na badyet mo'y kinakapos
Lagi kang may mabuting paraan, para kakulanga'y maisa-ayos.

Ina naming minamahal
Tunay at mapagmalasakit mong mga payo't pangaral
Ang nagbigay sa amin ng dunong at wastong asal
Salamat sa pag-akay mo't dakila pagmamahal

Nanay

poem by Catherine AgunatReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Pagsintang Bawal

Batid ko ang dapat gawin
Iwaksi ang mali at tama ang piliin
Subalit paano pipigilin
Ako'y alipin ng aking damdamin

Ramdam ko'y pag-ibig ngayon pa lang dumating
Parang isang batang na love at first sight man din
Sa kabila ng lahat kong pagsikil
Di maitago nag-uumalpas kong damdamin

Sana lang di na kita nakilala pa
At nasilayan ang maamo mong mukha
Sana'y di mo na tinapunan pa
Ng isang ngiting puno ng pagsinta
Upang sa gayon ako'y hindi nabahala
At hindi na muling umibig pa

Subali't maaaring ako'y manghinayang
Kung pag-ibig na wagas ay di naranasan
Kahit pa ito'y pagsintang bawal
Masarap damhin at buhay ay may kulay

Ngunit ano ang sasapitin
Ng isang pag-ibig na di dapat atin
Mabuti pang ito ay putulin
Habang ang tadhana'y kampi pa sa atin

poem by Rose de RamarReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

A Dog Named Happy

Ang aso ni Karen ay pampered at spoiled
She thinks she's a human, she thinks she's not a dog
Mukhang merong pulgas, laging nagkakamot
Ugaling habulin ang sariling buntot
Siya'y parang whirligig na ikot nang ikot

Kapag siya'y aking nakakagalitan
Siya ay nag-e-emote, marunong masaktan
Siya'y nagtatampo, siya'y nagdaramdam
Sa ilalim ng sofa siya'y nagtatago
Siya'y maghapon doon, hindi kumikibo
Ang nakasungaw lang ay ang kanyang ulo
Hindi lumilingon as there I come and go
Pero paningin niya'y sinusundan ako
Para siya lumabas, para pakainin
Kinakailangan pang siya ay sunduin
At hindi lalakad, kelangang kalungin
Pero pag gusto kong drama niya'y matapos
Kukuha lang ako ng plastic o supot
Pag nilamukos ko at kanyang narinig
Siya ay lalabas, takbo, at full speed
She's thinking that I have for her something to eat

Sino man sa 'min ang lalayo, aalis
At nahalata niyang na ay nakabihis
Siya'y di mapakali, siya'y nangangalabit
Ibig sabihin no'n, siya din maghahatid
hanggang do'n sa driveway, hanggang doon sa gate

Ikaw na umalis, pag na ay dumating
Kailangang siya ang una mong batiin
Siya'y kahol nang kahol, hindi siya titigil
Hangga't ang tiyan niya'y di mo kinakamot
O balahibo niya'y di mo hinahaplos
Kinaakailangang ito ay gawin mo
At pag di nasiyahan, kelangang may take 2

At meron din siyang kakatwang ugali,
Kapag natutuwa ay napapaihi
Oftentimes sa balahibo niya sa puwet
Malagkit na pupu ay may dumidikit
Siya'y uncomfortable, shy at laging kimi
Sa ilalim ng mesa, doon siya palagi
Parang nahihiya na siya ay marumi

Hindi lamang ito, siya pa'y intrigera
Mahilig sumali sa away ng iba
Pag me mga pusang sa labas nag-away
Siya'y nagagalit, siya ay kumakawkaw
Parang sinasabing 'Hwag kayong maingay! '

Minsan, naisip kong siya ay ipasyal
Dog leash na mahaba, siya'y kinabitan
Ang layo ng aming pinunta't narating
Hindi siya naglakad, nakakalong sa 'kin

Sa lahat ng aso siya'y di dogfood-vorous
Mahilig sa prutas, she is frugivorous
But I have found lately, she is omnivorous
And that's easy to see, I do not have to prove
Ipis at butiki, kanyang nginangalot

Kapag ako ay mayroong kinakain
Siya'y titig na titig, siya'y nakatingin
Hindi kumukurap, parang inaasam
Na kahit na konti, siya'y aking bigyan

Kapag narinig niya ang salitang 'ligo'
Siya ay nagagalitr, siya ay nagtatago
Kapag siya'y amin nang pinaliliguan
Nangangalahotog at ginaw na ginaw
Baba'y tumatahip, siya'y nangangaligkig
At sa aking kamay mahigpit ang kapit

Ano mang bagay ang sa sahig malaglag
Kanyang tinatakbo, kinukuha agad
Pag natipuhan niya ay huwag mong kukunin
Siguradong ikaw, kanyang kakagatin
Kapag gusto niya ng doggie bacon strips
Siya ay tumatayo, siya'y nangangalabit
Iyan po si 'Happy', ang asong makulit

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Ngayon Pa Lang Tagumpay Ka Na

(ryan cayabyab)
Cris:
Lagi kitang sinusubaybayan
Nananaginip na balang araw ay maging katulad mo
Magbigay ng dangal sa bayan ko at sigla sa buong mundo
Ipagkakapuri ng magulang ko
Lea:
Oh, minsan ako'y nangarap tulad mo
Kaypalad ko't maagang nabatid ang totoo
Dapat lang magtiwala ng lubos sa sarili't husay mo
Ibigay lahat ng makakaya mo
At pagmasdan, makakamit lahat ng inaasam
Unti-unti maaabot ang mga pangarap mo
Kung nais pa'y lumipad sa rurok ng iyong isipan
Ibigay lang ang lahat ng makakaya mo
Kahit hindi mo pa panahon
Ngayon pa lang tagumpay ka na
Cris:
Dapat lang magtiwala ng lubos
Lea:
Sa sarili't husay mo
Both:
Ibigay lahat ng makakaya mo
Cris:
At pagmasdan makakamit lahat ng inaasam
Unti-unti maaabot ang mga pangarap mo
Kung nais pa'y lumipad sa rurok ng iyong isipan
Ibigay lang ang lahat ng makakaya mo
Kahit hindi mo pa panahon
Ngayon pa lang...
Lea:
Kahit hindi mo pa panahon
Ngayon pa lang
Both:
Kahit hindi mo pa panahon
Ngayon pa lang tagumpay ka na
Tagumpay ka!

song performed by by Lea SalongaReport problemRelated quotes
Submitted by Lucian Velea
Vote! | Copy!

Share

One Hit Combo

Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing
Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayare

(Chito)
Oras na para gumawa ng panibagong
Orasyon na pwedeng kantahin ng mga gago
Tara samahan nyo ko na muling maglibang
Para sa mga katulad mong nag-aalangan
Teka lng di naman kailangan magmadali
Dapat lang siguro na wag kang magpapahuli
Sapagkat ang oras natin ay may katapusan
Kailangan mong gamitin sa makabuluhan
Pasok

(Gloc)
Teka muna teka muna teka muna teka
Katatapos ko lang isulat ang mga letra
Hampasin ang tambol at kaskasin ang gitara
Kasama ko ulit pinaka malupit na banda
Pero ngayon ay babaguhin ang tema
Ito'y awit na sasaludo sa mga nauna
Musikero gitarero tambulerong magaling
Kahit kanino itapat san man labanan angat paren
Pause

Chorus:
Nandito nanaman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing
Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayare

(Chito)
Nagsimula kami ng mga '93
Mga batang di magpapigil sa pagpursigi
Mga batang di maawat ng mga hadlang
Sapagkat sila'y nakatingin sa pupuntahan
Namulat sa Heads at kay Sir Magalona
Alam ko sa loob ko na nagsisimula na
Sila ang nagsupply at naglagay ng gasolina
Si kiko kay gloc at ang E.heads sa parokya
[ Lyrics from: ]
(Gloc)
Ibang klase ang pinoy
Pag dumating na sa tugtugan
Nagyuyugyugan siguradong hindi ka magtutulug-tulugan
Pag narinig mo ang bagong gawa ni chito at ni gloc
Kung ika'y samin sumasangayon ay pumalakpak
Nang malakas itaas ang kamay sumigaw
Para sa tatlong bituin at isang araw
Mga bata rin kami at katulad ng iba
Tagahanga rin kmi ng mga kanta nila
Nice

Chorus:
Nandito nanaman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing
Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayare

(Gloc)
Ang gusto lamang naming sabihin
Pangarap ay laging habulin
Kahit na kinakapos ang hininga mo'y pigilin
Initin natin ang kalan para tubig kumulo
Kailangan timbain ang poso para balde mapuno
Wag kang magpapabola sa iba hindi 'to madali
Kung merong gusto pare wag kang magmadali
Tatama ka rin kahit medyo puro mali
Ipunin lahat ng piraso kahit na hati-hati
Kasi isa lang ang tatandaan
Walang nakaharang na di kayang lampasan
Para di ka mahuli kailangan mong paspasan
Lagi mo pataliminin ikaskas sa hasaan
Ang kutsilyo, martilyo kailangan para palabugin lagi yang pako
Ikutin ang antenna kung tv ay malabo
Huwag kang matakot na tumaya ng pati pato
Kanta na

Chorus:
Nandito nanaman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing
Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayare

poem by Sirius WhiteReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Bakit

CHORUS: Bakit hinahanap ka (bakit kaya)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan
[Repeat CHORUS]

Nang una kitang makita
Sa may Ermita
Hindi ko na namalayan kung bakit
Na para bang ako'y naakit

Nang ika'y lumapit
Tinanong ko ang 'yong pangalan at ang
'Yong telepono, pero sabi mo
'Di mo kinakausap ang mga katulad kong

Walang pera, walang kotse
'Di doble-doble ang cell
Pero teka muna, miss, 'wag kang mabilis
Lumakad, 'di naman ako manyakis

At walang labis
Walang kulang ang sinukli ko sa 'yo
Balot
Eto pa sige dalhin mo na lang sa inyo

Kahit na wala akong kitain
Walang makain
Basta't alam mo lang
Kung gano kahalaga sa akin

Nang ikaw ay mapaglingkuran (paglingkuran)
At mapagsilbihan (pagsilbihan)
'Pagpatawad mo sana
Ako man ay naguguluhan

[Repeat CHORUS twice]

Sa loob ng aking kuwarto
Sa loob ng banyo
Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato
Kinunan ko sa may kanto

At ipinakuwadro ko pa
Nang sa ganon ay lagi tayong magkasama
Araw man o gabi kahit sandali
Sa hirap man o ginhawa

Ikaw at ako magpakailanman
Na para bang mga palabas sa sine
Alam mo na para bang imposible
Pero pwede ka bang mailibre

Sa kanto ng lugaw
Palamig, siomai o siopao
Baka pwede 'wag kang masyadong matakaw
Sige na nga pero pwede bang dumalaw

Pagmamahal ko
Sana ay tanggapin mo
Pero kung itataboy moAy ikamamatay, ikamamatay ko
[Repeat CHORUS]

Siguro naman ngayon ay alam mo na
Kung gaano kawagas ang aking pag-ibig
Simula sa laman hanggang sa litid
Kailaliman ay sinisisid

Pero bakit ginamit
Puro luha at pasakit
Makalipas ang mahabang panahon
Ang aking pagmamahal ay napalitan ng galit

Nang makita kita na may kasamang iba
May dala-dala pa naman akong regalo
Matagal kong pinag-ipunan
Kinuha sa alkansya

Naglalakad habang lumuluha
Tinititigan ang lupa
Sinungaling ang mga baraha na tinanong
Hindi naman natupad ang kanilang mga hula

Wala nang dahilan para mabuhay
Naging abo, wala nang kulay
Akala ko nung una, tayo nang dalawa
Ilang taon din naman akong naghintay

Paalam na, aking mahal
Ako ay 'di na magtatagal
At tanging ang 'yong pagbalik
Ang s'yang aking ipagdarasal (ipagdarasal, ipagdarasal)
[Repeat CHORUS thrice till fade]

poem by Sirius WhiteReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Bagsakan

Nandito na si chito
Si chito miranda
Nandito na si kiko
Si francis magalona
Nandito na si gloc 9
Wala syang apelyido
Magbabagsakan dito in 5 4 3 2

Nandito na si chito
Si chito miranda
Nandito rin si kiko
Si francis magalona
Nandito rin si gloc 9
Wala syang apelyido
Magbabagsakan dito
Mauuna si chito!

Chito miranda:
Hindi ko alam kung bat ako kasama dito
Sama-sama sa mga pasabog nila kiko at ni glock - astig patinikan ng bibig
Teka muna teka lang painom muna ng tubig
Shift sa segunda bago mapatumba
Dapat may maisip ka na rhyme na maganda
At madulas ang pagbigkas
At astig baka sakaling marinig
Ng libo libo na pilipino nakikinig sa mga pabibo ko
Di ka ba nagugulat sa mga naganap
Di ko din alam kung bat ako sikat
Para bang panaginip na pinilit makamit
Talagang sinusulit ang pagiging makulit
Kailangan galingan hindi na kayang tapatan ang tugtugan ng parokya at aming samahan
Shit! panu to wala nko masabi
Ngunit kailangan gumalaw ng mga labi kong ito
Kunyari nagbabakasakali
Na magaling din ako kaya nasali!

Natapos na si chito
Si chito miranda
Nandito na si kiko
Si francis magalona
Nandito rin si gloc 9
Wala syang apelyido
Magbabagsakan dito
Babanat na si kiko!
[ Lyrics from:
Francis magalona:
It aint uzi or ingram
Triggers in the maximum
Not a 45 but 44 magnum
And it aint even a 357
Nor 12 gauge but the mouth so listen
Nandito na si kiko at kasama ko si chito at si gloc 9
And it's time to rock rhyme
Di ko mapigilan lumabas ang mga salita
Sa aking bibig di padadaig
Ang bunganga
Hala tumunganga
Lahat napapahanga sa talento
Akoy taga kalentong
Batang mandaluyong na ngayun nakatira sa antipolo
Sumasaklolo sa mga hiphop
Pwede karerin o
Pwede rin trip lang
Si gloc kasama ng parokya
Parang bulagaan at kelangan di mabokya
Hindi mo na kelangang malaman
Kung bakit pa
Kaming lahat ay nagsamasama
Mic check eto na nagsanib na ang pwersa
Francis magalona-gloc9-at-ang-parokya
1 2 3 4 lets volt in!

Natapos na si chito
Si chito miranda
Tapos na rin si kiko
Si francis magalona
Nandito na si gloc 9

Gloc9: ahhh mic check - mic check

Wala syang apelyido

Gloc9: naka on na ba ung mic?

Magbabagsakan dito
Kelangan ng magingat
At ang huling bagsakan
Si gloc 9 ang babanat!

Gloc9:
Bato bato sa langit
Ang tamaan'y wag magalit
Bawal ang nakasimangot
Baka lalo ka pumangit
Pero okay lang
Hindi naman kami mga suplado
Sumabay ka sa amin na parang naka eroplano
Sa tunog ng gitara
Kasama ng pinakamalupit na banda
Pati si kiko
Magaling-hindi parin kayang tapatan
Parang awit na lagi mong binabalik balikan
Stop-rewind i-play mo
Nakapakasaya na para bang birthday ko
Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin
Hindi na kelangan pang paikutikutin
Baka lalong matagalan lang
Lumapit at makinig na para iyong maintindihan
Mga salitang sinulat na hindi ko papel
Pero pwede ilatag
Na parang banig na higaan
Kapag hinawakan ang mikropono parang nabubuwang
Eh kasi naman siguro
Ganyan lang kapag gumagawa kami ng bago
Medyo nabibilisan
Hindi mo naisip na pwedeng mangyari
Magkasamasama lahat ay kasali!

Chito miranda:
Ngayun lang nadinig
Hindi na to madadaig
Nagsamasama sa bagsakan
At naging isang bibig
Magingat ingat ka nga at baka masindak
Sapagkat andito na si chito-at-si-kiko-at-si-gloc!

Coda:
I'm pedro basura man.
I'm live in the garbage can.
I'm went to my auntie, and.
Punit her pantie.
I'm pedro basura man.

More lyrics: http: //www.lyricsmode.com/lyrics/p/parokya_ni_edgar/#s hare

poem by Sirius WhiteReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Kamatayan ng Isang Ilog

Simula pa noong aking kamusmusan
Ang ilog sa amin sa akin napamahal
Malaking bahagi ng kabataan ko
Ay dito nagugol hanggang maging tao

Malinaw ang tubig sa Batis at Layon
Sarap magtampisaw, kay sarap lumangoy
Sa kanyang Agos ay nagpapati-anod
Sa Uli-uli niya ay nagpapahigop
Sa Alimbukay na pumapaibabaw
Mula sa ilalim masarap sumakay

Siya ay Cornucopia ng likas na yaman
Ng isda sa tubig, halaman sa baybay
Sa kanyang aplaya'y kay inam mamasyal
Lunas sa isip na nagulumihanan
Ang singaw ng tubig at simoy ng hangin
Ng may karamdaman, mabuting langhapin

At do'n sa malalim, nasa dakong gitna
Ang mga tao ay nagsisipamangka
Ang gamit ay sagwan o mahabang tikin
Sa balsang kawayan o tiniban ng saging

Ilog na piknikan ng napakarami
Nilang kakainin di na binibili
Magdadala lamang ng posporo, bigas,
asin at lutuan, ayos na ang lahat
Di na kailangan ang mamalakaya
Mangangapa lamang, ay merong ulam na
Hipon, Bulig, Biya, kasama na Tulya,
Di ka kakapusin, meron nang gulay pa
Gulay na nagkalat lamang sa baybayin
O gulay na galing sa tubig na lalim
Ito'y Kalabuwa, katulad ay Pechay
Na sa kamatis ay masarap isigang

At sa kalaliman kay daming halaman
Kasama ng lumot, at sintas-sintasan
Digman at iba pa na gustong taguan
Ng Hipon, at Biya, saka Talibantan

Yaong aming ilog ay siya ring tahanan
Ng Sulib, ng Kuhol, ng Susong Tibagwang
Masarap ipangat, masarap subukan
Na pag ginataa'y lalong malinamnam

Ang Hipong Tagunton huli sa Talabog
Masarap na pritong muna'y hinalabos
Ang higanteng hipon, kung tawagi'y Ulang
Masarap iprito, isigang, iihaw

Sa katag-arawan ay maraming gamit
Ang mangingisda na dapat lang mabanggit
Ilan lang ang Suro at saka Takilis
Ang Pagpapakati o Paiwas-tubig
Talabog at Sagap ay uso rin naman
Kitang at Patukbang palubog o lutang
Pati na Sumanga at Bingwit o Galay
Baklad na Bakikong, ito'y ubod galing
Ang anumang isda ay kayang hulihin
At kapag ang isda'y napasok sa Hoyo
Ulam na at 'comestibles segurados'

Gamit ay tabakong kinatas, niluray
Ang Palos sa lungga din ay tinutublang
Na kapag nahuli'y di matuturingan
Isang delicacy, di mapepresyuhan

Sa lumot at digman maraming Birabid
Sa taga-Ilocos ay isang favorite
Nariyan din naman ang Susong pilipit
Na iba ang lasa, merong konting pait

At kapag tag-ulan, isda'y sumusuba
Nakaabang na ang Bubo't Balisasa
Pag magtatag-araw Isda'y lumuluslos
Ang Saplad naman ang handa't nakasahod
Sa tabi ng saplad likas na may kubo
Laging umuusok, laging okupado
Ng mangingisda at mga piknikero

Barrio ay masaya pag naman bumaha
Tao'y nanonood ng Flotsam o Dagsa
Na nagkakaanod patungong ibaba
Siyempre mananagip hindi mawawala
Nasagip na troso'y magaling na kahoy
Panggatong na libre hanggang buong taon

Sa madaling sabi isang paraiso
Ang pinakamamahal kong ilog na ito
Ngunit ano'ng nangyari, ba't nagkaganito
Ang ilog na atin, may sakit, matamlay
At parang hindi na siya pa'y mabubuhay
Patuloy na agos nawala sa kanya
Lawang putol-putol na lang ang natira
Ang isda niya dati ay maraming uri
Ngayo'y janitor fish lang ang naghahari
Gano'n din naman ang kanyang tributaries
Sa kamay ng tao yun din ang sinapit
Ang ilog na dati'y kinasisiyahan
Ngayon ay isa na lang na basurahan
Naglutang ang plastic, karton, mga papel
At bote at lata naman sa ilalim
Parang mga ito ay hindi pa sapat
Nadadagdagan pa ng animal carcass

At kapag tag-ulan siya ay dambuhala
Mga pag-aari ay napipinsala
Buhay nakikikitil pag siya'y nanalasa
Ang may kasalanan ay sino pa kaya

Sila'y walang iba kundi Tao na rin
Na pangsarili lang ang naging hangarin
Di pinag-ingatan ang kapaligiran
Na sila rin naman ang nakikinabang

Tinibag ang Bundok, inubos ang Gubat
Na sana'y naroon at Watershed dapat
Sa moisture at tubig, sana ay hahawak
Kugon ay ginanot, Talahib tinabas
Na kundi sinunog, inani ng sagad
Resultang erosion, sanhi ng landslides
Maraming species ang nangakalagas
Walang matirahan, they've lost their habitat

Paano pang ilog nati'y mabubuhay
Kung ang tributaries niya na'y mga kanal
Na dati'y linaw na tubig ang nadaloy
Ngayon ay maitim, may kasamang lason

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Laking Marikina, Part 2

Isang paraiso no'n ang Ilog Marikina
Daming binubuhay, daming umaasa
Malinis na tubig, siya'ng pinagkukunan,
Inumin sa banga, panligo sa tapayan
Tumana sa baybay, daming binubuhay
Palakaya sa tubig, iba't-iba ang paraan
Sa inyo ko'y babanggitin, anu-ano ang pangalan

BINGWIT

Ang Bingwit ay isang panghuli ng isda
Na may tangkay, pisi, pabigat at taga
Sa Ingles siya ay rod, hook, line and sinker
Bingwit or Fishing Rod, parehong may pain
Pain namin no'n ay hipon at bulate
Sari-saring isda ang nangahuhuli
Biya, hito, kanduli, minsa'y bakule
Bingwit ay di pare-pareho ang gamit
Merong sa tubig lang ay inilalawit
Merong hinihila matapos ihagis
Para ng isda ang pain ay mapansin
Akala niya'y buhay, agad sasagpangin
Ang tawag namin sa ganitong paraan
Ay di namimingwit, kundi nanggagalay

PATUKBA

Patukba ay parang bingwit na maliit
Maikli ang pisi, ang tangkay ay siit
Tangkay ay matulis para maitusok
Pag iniuumang na sa tabi ng ilog
Sa dulo ng tangkay doon nakalawit
Ang pising sa dulo, taga'y nakakabit
Kung ito'y iumang ay sa dakong hapon
Pain ay palaka, kuliglig o suhong
IIwang magdamag hanggang sa umaga
ang oras na dapat sila'y pandawin na
Ang paing sa tubig ay kakawag-kawag
Ng bulig o dalag gustong sinisiyab
Ang aking patukba'y tatlumpu ang bilang
Di marami, di kaunti, lang ay katamtaman
Sa bilang na ito, bawat pag-uumang
Ang dalag kong huli'y naglalaro sa siyam
Ang paing kuliglig saan kinukuha?
Sa ilalim ng yagit sa bukid/tumana
Ang suhong naman ay sa mga putikan
Sa tabi ng ilog, kahit na nga saan
Ang palaka naman ay sa mga lawa, Sa bukid, sa ilog at lugar na basa

KITANG

Ang kitang ay isang mahabang fishing line
Sa sukat na metro, haba'y isang daan
Tuwing dalawang metro ay may nakalawit
Na pisi at taga, ng isday pangbingwit
Haba ng pisi ay isa't kalahating dangkal
Na sa aming barrio'y Hapen ang pangalan
Sa fishing line naman, tawag ay Lawayan
Ang bilang ng taga'y 50 karaniwan
Kung ito'y iumang sa tubig ay lubog
Sa baybay o kaya'y sa gitna ng ilog
Para di maanod ay merong pabigat
Na batong tihaba, katamtamang sukat
Kung ito'y iumang, maghapo't magdamag
Hangga't merong huli, doon nakababad
Karaniwang pain ay bulate at hipon,
Hindi namimili, kung ano'ng mayroon
Ang nahuhuli ay hito, biya kanduli
Kung minsan ay palos kapag sinusuwerte
Tilapia at karpa'y hindi pa kasali
Nang dumating sila na ay dakong huli

SAPLAD

Ang Saplad ay sahig ng papag ang tulad
Na ang haba'y doble noong kanyang lapad
Sa Sapa o kaya'y sa Batis ng Ilog
Ito'y nakaharang, ang dulo'y pasubsob
May bahaging lubog, sagad sa ilalim
May bahaging litaw sa tubig at hangin
Sa flooring ng ilog, ito'y diagonal
Sa anggulong beinte at singkong baghagdan
May mababang dinding magkabilang tabi
Ang isdang mapadpad ay tiyak nang huli
Sa tulak ng agos, hindi makagalaw
Sa sahig ay sadsad, hindi makaigpaw
Nakangangang Saplad, magkabila'y habing
Na sa ibang bansa ay Weir kung tawagin
Ang layunin nito'y kiputan ang agos
Nang upang sa Saplad ang tuloy at pasok
Kasama ang mga isdang lumuluslos

SURO

Ang suro ay lambat, hugis tetrahedron
Ng apat na sulok siyempre ay mayroon
Ito'y nakatali sa tatsulok na frame,
kawayan o kahoy na sinalagunting
Sa dalawang dulo ng gunting na kahoy
Dulo ng Paripa'y nakakabit doon
Kabilaang dulo'y sulok na dalawa
Ang pangatlong sulok ay siyang 'manibela'
Doon hahawakan habang sinusuyod
Ang Digman o damong sa tubig ay lubog
Hipon, bulig, biya'y doon naiimpok
Sa sulok ng lambat, kung tawagi'y 'Pusod'

TAKILIS

Gamit sa Takilis ay anu-ano ba?
Kadena, Saha, Suro at wala nang iba
Tiniban ng saging, puputul-putulin
Sa habang 'sang metro, sobra'y huwag kulangin
ang mga upak ay paghihiwalayin
Sa lapad na half-inch, titilad-tilarin
Saka isusuot sa butas ng kadena
Distansiya'y salitan o otra sin otra
Parte ng kadena na mayroong saha
Dadalhin sa ilog do'n sa dakong gitna
Ng dalawang tao hila ang magkabilang
dulo ng kadena, magkabilang pampang
P'tungo sa malayong Surong nakaabang
Ang kadena'y lubog na yari sa bakal
Ang strips ng saha'y air-chambered at lutang
Ang katulad nito'y kurtinang tiwarik
Na sa river bottom doon nakasabit
Papuntang ibabaw, doon nakalawit
Ang 'kurtinang puti' habang umuusad
Isda'y natatakot, agad lumalayo
Palayo sa 'kurtina', palapit sa Suro
Dulo ng kadena'y doon magtatagpo
Sa harap ng naroon at abang na Suro
Isdang naitaboy ng Saha, natakot
Sa Pusod ng suro ay mapapasuot

DIAKOS

Ang Diakos at Takilis ay magkahambing
Ang pakay at layon, ang isda'y takutin
Kung ang Takilis ay sa ilalim ng tubig
Ang Diakos naman ay sa ibabaw ang gamit
Imbes na kadena't saha ang pangtakot
Ang gamit ay lubid at bunot ng niyog
Ang bunot ng niyog, tinitilad-tilad
'Sang dangkal ang haba, 'sang pulgada'ng lapad
Ang mahabang lubid ay saka lalagyan
Ng maraming buhol, isang piye ang pagitan
Sa butas ng buhol, doon isusuot
Ang mga tinilad na bunot ng niyog
Saka hihigpitan para di malaglag
Ang mga bunot na kwintas ang katulad
Ng dalawang tao, magkabilang pampang
Ang dulo ng lubid, nila'y hahawakan
'Lalagariin' nila ang ibabaw ng tubig
Habang sa lambat ay sila'y papalapit
Sa ingay ng Diakos, isday natatakot
Sa umang na lambat ay napapasuot

TALABOG AT SAGAP

Talabog ay mga sangang maliliit
Pinagputol-putol at saka binigkis
Sa habang isang metro't laking isang yakap
Sa gitna o tabing ilog ibabad
Ng Hipong Tagunton upang pagtaguan
Paglipas ng tatlong linggo o isang buwan
Ang mga Talabog, dapat nang mapandaw
Ng malaking Sagap, ito'y sasahudin
At mula sa tubig, ito'y hahanguin
Hipong nakasiksik, tiyak na kasama rin
Kapag 'sang dosenang talabog meron ka
Ulam tatlong araw, maaring meron na
Anu-ano ba ang nasok sa Talabog?
Hipon, gourami, bulig, kung minsan ay palos
Ang Sagap na gamit, ano ang ayos ba?
Big basket na walang tangkay, ang niya ay kapara
Mula sa kawaya'y niyari't nilala

BUMBON

Ang Bunbon ay tirahan ng mga isda
Na hindi natural, tao ang may gawa
Sa gitna ng ilog, doon nakababad
Do'n sa walang agos, meron ma'y banayad
Composition nito'y sari-saring sukal
Na mahahagilap sa kapaligiran
Sanga, siit, bato, palapa ng niyog
At kahit na anu-ano pang kuyagot
Sa paligid nito ay may mga tulos
Paglipas ng mga linggo't mga araw
Pag sa akala ay isda na'y may laman
Na nasa ilalim, do'n naninirahan
Ang bumbon, ng baklad ay papaligiran
Ang sukal sa loob na ay hahawanin
Nakulong na isda saka huhulihin

Ang bumbon ay hindi para lang sa baklad
Pinamamarilan din pag sa tabing tibag
O kaya'y tatabihan ng isang tiyakad
Kung saan ang hunter ay doon aakyat
At sa likod ng kanyang blind o camouflage
Kayang-kaya niyang makita't masipat
Ang dalag na hihinga, bago makatikap

Ang gamit ng Bumbon ay kasuklam-suklam
Pag ng dinamita'y pinapuputukan
Ang paraang ito na paghuli ng isda
Ay di nararapat, mali na pa'y lisya

PAMAMARIL

Pamamaril ng isda ay maaring gawin
Sa pamamagitan ng baril na de hangin
O ng de pulbura, low or high caliber
At saan ba ito puwedeng isagawa
Maaring sa ilog, sa look o sapa
Any body of water na mayroong isda

Nang ang tilapia ay di pa dumadating
Palagi nang dalag ang siyang nababaril
Para ang hunter ay di kita ng isda
Ng camouflage or blind, siya ay gumagawa
Sa tibag, sa puno, siya ay pumupuwesto
Minsan ay sa tiyakad na ang paa'y tatlo

Ang dalag kahit na hindi tamaan mo
Ng dahil sa shockwave siya ay nahihilo
Bago magkamalay dapat damputin na
Kung lalim ang tubig ay sisisirin pa
Mayro'ng disadvantage, ang resulta'y pasma
Kay tagal na bilad, biglang lulublob pa

PAGLILIMAS

Ang paglilimas ay saan ginagawa
Sa mga bukirin, sa kanal o lawa
Sa katag-arawan, maaring sa sapa
Na putol-putol na at agos na'y wala

Kung ang paglilimas, sa kanal gagawin
Sa tamang sukat ay hahati-hatiin
Sa pamamagitan ng dam o pilapil
Na yari sa damo, lupa kaya'y putik
Saka isasaboy palabas ang tubig
Madalas na gamit, balde, pala't timba
Pag tubig ay nasaid, lilitaw ay isda


BUBO AT BALISASA

Ang Bubo ay isa pang uri ng umang
Na sa tabing ilog, do'n inilalagay
Sumusubang hipon ay inaabangan
Maliliit na version, nasa gitnang ilog
Babaw man o lalim, doon nakalubog
Ng Hipong Tagunton para 'to'y pasukin
May inihaw na niyog na pinaka-pain
Ang malaking version, yari sa kawayan
Mga lalang umikot sa kawayang tadyang
Kung ano ang lala ay siya na ring agkay
Sa gilid ng sapa/ilog ilalagay
Ng kaprasong habing, sa bungad lalagyan
ng hipong papasok ay di maliligaw

Ang Bubo na aking nakita't inabot
Maluwang ang bungad, katawan ay bilog
Ang dulo ay payat, talagang makipot
Naroon ang takip, doon ilalabas
Ang hipong napasok, huli sa magdamag

Dumating si Kano noong Second World War
Naiba ang gamit, nylon na at messwire
Sa kawayang tadyang at alambreng Agkay
Doon ibabalot, ang loob ay guwang
Mayroon ding Galaw, papunta sa Hoyo
It is shaped like a cone, sa Tagalog-Kono

Bubo't Balisasa, sila'y pareho lang
Yari man sa nylon o kaya'y kawayan
Pareho ang mithi, pareho ang nasa
Panghuli ng Hipon, panghuli ng Isda isda
Na tulad ng hito, dalag, bulig, biya

BALASING

Gamit sa Balasing ay anu-ano ba
Bulate at saka buto ng Kamaisa
Na lalong kilala sa tawag na Tuba
Muna'y isasangag ang hinog na buto
Hanggang maging kulay na kapeng barako
Saka didikdikin ng pino na pino
At sa bulate ay ihahalo ito
Ang bulateng parang may budbod na kape
Ay kulay ispageting ang sauce ay tsoklate
Sa lawa o ilog ibubudbod ito
Ang isdang kumain, tiyak na mahihilo

PAKATI O PAIWAS TUBIG

Kung saan mayroong 'magkasangang' ilog
Mababaw na batis, na may konting agos
Ang paiwas tubig ay do'n ginagawa
Medyo naiibang paghuli ng isda
Ang isang branch ng ilog nami'y tatambakan
Ng siit, ng sanga ng mga halaman
Ng yagit, talahib, kahit anong sukal
Na tulad ng bato't dulo ng kawayan
Magsisilbi itong ng isda'y subsuban
Paglipas ng mga linggo o ‘sang buwan
Ang artificial habitat ay meron nang laman
Ang ulo ng batis na ay haharangan
Ng pilapil na buhangin, a temporary dam
To divert waterflow to the other river branch
Habang ang fish haven ay kumakati't natutuyo
Ang debris na naroon sa isang tabi'y hinahango
Ang naroo't naiiwan, mga isda na na-strand
Hipon, bulig, biya, ayungin at talibantan

TUBLANG

Ang tanging isda na aming tinutublang
Ay palos na nasa lungga niyang taguan
Ang entrance ng lungga ay aming lalagyan
Ng lambat o dala, kahit anong umang
Ang 'bahay' ng palos ay aming gagawan
Ng butas na aming siyang paglulusutan
Ng tubo kung saan ang lason ay ibubuhos
Para mahilo at matakot ang palos
At paglabas niya'y sa lambat susuot
Ang lason na gamit nami'y walang iba
Katas ng tabakong binayo't piniga

PAPUPOG

Ang Pagpapapupog ay paghuli ng isda
Tanging sa Kanduli lamang ginagawa
Gamit o implement ay di na kelangan
Sapat nang gamitin ay ang mga kamay
Ibabaw ng tubig ay kinakambugan
Para magawa ang malakas na ingay
Pero mas magaling kung merong lambanog
Na sa tubig ay siyang ipangkakalambog
Ang mga kanduli ay nangakatakot
Sa graba o buhangin sila ay susubsob
Nakatago ang ulo, tiwarik ang buntot
Isa-isa sila'y dadamputin na lang
Pero sa pagdamplot ikaw ay kuwidaw
At baka matusok ang iyong mga kamay
Ang tamang paghuli ay paano baga
Ganito ‘yon ‘bigan, sana'y makinig ka
Sa palad isuklo ang bunguang ulo niya
Sa tibo niya'y dalawang daliri ang iangkla

SUMANGA

Sumanga ay basket, malalim, mahaba
Na konting masinsin at pino ang lala
Bunganga ay oval, bitbitan ay wala
Sa tubig na babaw ito'y ibababa
Hindi nakatayo kundi nakahiga
Bunganga ay harap sa bunton ng bato
Na singlaki ng tuhod o kaya'y kamao
Ng dalawang binti ito'y ipit-ipit
Habang papaloob, bato'y kinakabig
Ng pangkahig na gawa mula sa kawayan
Ang haba ay isa't kalahating dangkal
At ang lapad nama'y kalahati lamang
Kasama ng batong napasok sa loob
Ay ang mga isdang doo'y nakasubsob
Matapos ang mga isda ay makuha
Ang bato sa loob ay itatapon na
Kadalasang huli ay anu-ano ba
Bulig, hipon, biya't marami pang iba

PANGLOOB

Pangloob ay naiibang uri ng fishtrap
Di puwedeng tanggalin, di puwedwng ilipat
Pagkat iyo'y built in sa tabi ng tibag
Isang cubic chamber na inukit doon
Sa entrance sa harap naroon ang trapdoor
Sa loob ang trigger na magpapabagsak
Sa trapdoor pag trigger ay nasaling ng dalag

JACKPOT

Ang Jackpot ay lambat, panghuli ng isda
Na mayroong poste sa dulo't kabila
Eighteen by eighteen inches, karaniwang sukat
At net ng volleyball ang niya ay katulad

Pilapil sa bukid ay mayroong pukas
Daanan ng tubig, Butasan ang tawag
Pag tubig sa pitak ay gustong isalin
sa kabilang pitak, dito padadaanin
Ang Jackpot ay dito naakma't dapat
Nakatusok sa pilapil, naroon magdamag
Ang sinasahod ay bulig saka dalag
Gustong kumabila, kaya lumulundag

KURAG

Kurag ay lambat na panghuli ng ibon
Na iniuumang kung saan may balong,
may bukal, saluysoy, tubig na nadaloy
Kami'y gumagawa ng sapa-sapaan
Kung saan ang ibon puwedeng magtampisaw
Maligo't uminom kapag nauuhaw
Lalo na at tirik, mainit ang araw
Magkabilang panig ng sapa-sapaan
Para makaakit, may budbod na palay
Meron pa ring pain, pangati o decoy
Upang makatawag ng kapuwa ibon
Ang aming pangati, kadalasa'y maya,
Mayang paking, bulik o kaya ay pula
Nakakahuli rin ng mayang simbahan,
Ng luklak, ng tikling-katigan o kilayan
At ng ibang ibong doo'y mapadaan

Ang kurag ay parang pahina ng aklat
Magkalayo sila pero nakabukas
Na biglang sasaklob at biglang iigkas
Kapag ang pamitik ay iyong binatak
Ang palay na pain, ang sapa-sapaan
At mga IBONG DAYO ay masasakluban
Kurag operator ay ba't di nakikita
Sa blind o camouflage, nakatago siya

KAMATAYAN NG ISANG ILOG

Simula pa noong aking kamusmusan
Ang ilog sa amin sa akin napamahal
Malaking bahagi ng kabataan ko
Ay dito nagugol hanggang maging tao

Malinaw ang tubig sa batis at layon
Sarap magtampisaw, kay sarap lumangoy
Sa kanyang agos ay nagpapati-anod
Sa uli-uli niya ay nagpapahigop
Sa alimbukay na pumapaibabaw
Mula sa ilalim masarap sumakay

Siya ay cornucopia ng likas na yaman
Ng isda sa tubig, halaman sa baybay
Sa kanyang aplaya'y kay inam mamasyal
Lunas sa isip na nagulumihanan
Ang singaw ng tubig at simoy ng hangin
Ng may karamdaman, mabuting langhapin

At do'n sa malalim, nasa dakong gitna
Ang mga tao ay nagsisipamangka
Ang gamit ay sagwan o mahabang tikin
Mayro'ng namimingwit, mayro'ng namamansing
Sa balsang kawayan o tiniban ng saging

Ilog na piknikan ng napakarami
Nilang kakainin di na binibili
Magdadala lamang ng posporo, bigas,
asin at lutuan, ayos na ang lahat
Di na kailangan ang mamalakaya
Mangangapa lamang, ay merong ulam na
Hipon, bulig, biya, kasama nang tulya,
Di ka kakapusin, meron nang gulay pa
Gulay na nagkalat lamang sa baybayin
O gulay na galing sa tubig na lalim
Ito'y Kalabuwa, katulad ay pechay
Na sa kamatis ay masarap isigang

At sa kalaliman kay daming halaman
Kasama ng lumot, at sintas-sintasan
Digman at iba pa na gustong taguan
Ng Hipon, at biya, saka talibantan

Yaong aming ilog ay siya ring tahanan
Ng sulib, ng kuhol, ng susong tibagwang
Masarap ipangat, masarap subukan
Na pag ginataa'y lalong malinamnam

Ang hipong tagunton huli sa talabog
Masarap na pritong muna'y hinalabos
Ang higanteng hipon, kung tawagi'y ulang
Masarap iprito, isigang, iihaw

Sa katag-arawan ay maraming gamit
Ang mangingisda na dapat lang mabanggit
Ilan lang ang suro at saka takilis
Ang pagpapakati o paiwas-tubig
Talabog at sagap ay uso rin naman
Kitang at patukbang palubog o lutang
Pati na sumanga at bingwit o galay
Baklad na Bakikong, ito'y ubod galing
Ang anumang isda ay kayang hulihin
At kapag ang isda'y napasok sa hoyo
Ulam na at 'comestibles segurados'

Gamit ay tabakong kinatas, niluray
Ang palos sa lungga din ay tinutublang
Na kapag nahuli'y di matuturingan
Isang delicacy, di mapepresyuhan

Sa lumot at digman maraming birabid
Sa taga-Ilocos ay isang favorite
Nariyan din naman ang susong pilipit
Na iba ang lasa, merong konting pait

At kapag tag-ulan, isda'y sumusuba
Nakaabang na ang bubo't balisasa
Pag magtatag-araw Isda'y lumuluslos
Ang saplad naman ang handa't nakasahod
Sa tabi ng saplad likas na may kubo
Laging umuusok, laging okupado
Ng mangingisda at mga piknikero

Barrio ay masaya pag naman bumaha
Tao'y nanonood ng flotsam o dagsa
Na nagkakaanod patungong ibaba
Siyempre mananagip hindi mawawala
Nasagip na troso'y magaling na kahoy
Panggatong na libre hanggang buong taon

Sa madaling sabi isang paraiso
Ang pinakamamahal kong ilog na ito
Ngunit ano'ng nangyari, ba't nagkaganito
Ang ilog na atin, may sakit, matamlay
At parang hindi na siya pa'y mabubuhay
Patuloy na agos nawala sa kanya
Lawang putol-putol na lang ang natira
Ang isda niya dati ay maraming uri
Ngayo'y janitor fish lang ang naghahari
Gano'n din naman ang kanyang tributaries
Sa kamay ng tao yun din ang sinapit
Ang ilog na dati'y kinasisiyahan
Ngayon ay isa na lang na basurahan
Naglutang ang plastic, karton, mga papel
At bote at lata naman sa ilalim
Parang mga ito ay hindi pa sapat
Nadadagdagan pa ng animal carcass

At kapag tag-ulan siya ay dambuhala
Mga pag-aari ay napipinsala
Buhay nakikikitil pag siya'y nanalasa
Ang may kasalanan ay sino pa kaya

Sila'y walang iba kundi tao na rin
Na pangsarili lang ang naging hangarin
Di pinag-ingatan ang kapaligiran
Na sila rin naman ang nakikinabang

Tinibag ang bundok, inubos ang gubat
Na sana'y naroon at watershed dapat
Sa moisture at tubig, sana ay hahawak
Kugon ay ginanot, talahib tinabas
Na kundi sinunog, inani ng sagad
Resultang erosion, sanhi ng landslides
Maraming species ang nangakalagas
Walang matirahan, they've lost their habitat
Paano pang ilog nati'y mabubuhay
Kung ang tributaries niya na'y mga kanal
Na dati'y linaw na tubig ang nadaloy
Ngayon ay maitim, may kasamang lason

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Man's Best Friend

Nang ako'y bata pa'y nagtataka ako
Kung bakit lagi nang may ulol na aso
Ito ay hinahabol ng mga tao
May dalang pamalo na kahoy o tubo
Kahit makarating pa sa ibang barrio

Kaming mga bata ay takut na takot
Di namin malaman kung saan susuot
Malamang sa hindi, aso'y mamamatay
Dahil ng tao siya'y hindi tatantanan
Kahit makarating sila saan pa man
Sa ilog, sa bukid, at sa kasukalan

Ang nagsisihabol kapag napagod na
Sila na'y hihinto, di na hahabol pa
Ang magpapatuloy naman sa paghabol
Taong barrio kung saan aso'y napasuong

Hindi naman kaya napagkamalan lang
Ang pobreng asong di makapangatwiran
Nakita lamang ang tumutulong laway
O bahag ang buntot, yon na ay dahilan
Na ang kawawang aso na ay madeklara
Na ulol kahit na hindi naman siya
Natural lamang para sa isang aso
Na bahag ang buntot kapag dumadayo
Laway na natulo ay di laging tanda
Na ang isang aso'y nauulol na nga

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share

Hi Tech

Salamat na lamang sa high technology
Na kahit huli na'y umabot pa kami
Kaming 'pinanganak noong ninteeen thirty's
At swerteng narating ang idad seventies

Ang tula na ito nang aking sulatin
Sign pen ang ginamit, substitute ay ballpen
Final draft, tinapos sa aking computer
Malinis na kopya'y ginawa sa printer

Extra copy nito'y puwedeng ipadala
Attachment sa email, by fax at meron pa
Surface mail at airmail, kundi kuntento ka
By Fedex, LBC, hari ng padala

Ang maraming kopya, paano gagawin
Noon ay photostat, masyadong maitim
O kaya'y mimeograph, a very messy thing
Tinta'y kumakalat sa pag-i-stencil
Ngayon nama'y xerox, pagkopya'y matulin

Kung ang tulang ito'y noon ko sinulat
Ako'y mayayamot, at iyon ay tiyak
Kung kailan ako ay nagmamadali
Ang lapis na gamit, saka mababali
Gamit na fountain pen, tinta'y umaagas
Kundi nagtatae, penpoint ay matalas
Sa aking 'cocomband', kakamot, kakaskas

Noong bata kami, ay wala pang cellphone
Telepono'y mayaman lang ang mayroon
Lihim na pag-ibig, hindi maite-text
Tulay o messenger, kelangang gumamit
Resultang madalas, sulat maintercept
Ng tatay o nanay na napakahigpit
O kaya'y si darleng, sa 'tulay' kumabet

Kapag ang wagas na pag-ibig na iyo
Ay sa kaprasong papel pa isusulat mo
Sa post o koreo padadaanin pa
Bago ka masagot, kayo'y matanda na

Walang mega taksing kung tawagi'y FX
Magtitiyaga ka lang sa PUJ na dyip
'God Knows Hudas Not Pay', paskel, nakadikit
'Upong Diyes lamang po', laging sinasambit
Ng tsuper na kundi mabait-masungit

Mga bata noon, hilig ay mangisda
'Fighting fish' naman ang sa mga matanda
Gamit ay projector aka aparato
At maputing telon na para sa porno
bomba, at iba pa na very lewd na show
Hindi siya nagtagal, mayroong sumulpot
Modernong betamax siya ay pinatos

Noon akala ko'y betamax na'y hanep
Wala nang tatalo at siya nang ultimate
Sinipa pa rin siya ng kanyang kapatid
Better resolution, tawag ay VHS
Ang pamilya ng tape, nangawala na rin
Dahil nabubuhol, tape ay 'kinakain'
Compact disc, video disc na ay nagsidating
DVD na ngayon kung sila'y tawagin
Meron pa kayang sa kanila'y tatalo
Let us just wait and see, maghintay pa tayo

Ang inabutan ko na aming turntable
Hindi de koryente, hindi reliable
Nagboboses chipmunk, kung minsan ay bulol
Ito ay de susi, subalit portable
Mabuti sa wala no'ng aming panahon
Salamat later on, kami'y nakabili
Ng noon ay sikat, ang high fidelity
Malapad ang plaka, speed ay 33
Long playing record na palayaw ay L. P.

Ang juke box din noon ay sikat na sikat
Ang bawat restaurant, meron yata lahat
Sa loob ng juke box ay nakahilera
Ang mga plaka ng sari-saring kanta
Kapag ang pamagat ay iyong pinindot
Plaka ay bubukod at saka iikot
Ang iyong peborit na kanta'y tutugtog
Mga nakikinig, napapaindayog

Ang juke box na sikat, naglaho't umalis
Casette na multiplex naman ang pumalit
Minus-1, sing-along, mga sumikat pa
Puwede mong alisan ng lyrics ang kanta
Ang background na lamang ang siyang matitira
Ang orig na artist ay 'out', ikaw ang 'in'
Sa accompaniment, ikaw na'ng sasaliw
Hindi natagalan, siya ay phased out na rin
Karaoke naman ang siyang naghari
Hindi rin nagtagal, narito sandali

Magic Sing ang gamit, videoke'y dumatal
Ng singer at audience pinapalakpakan
Wireless na microphone at siya pang selector
Hindi na kelangan pa ang operator
Ito ay fiesta para sa propessionals
At amateurs na nagsisimula pa lang
Kasama din dito ang frustrated singers
Nagpupumilit na sila ay mapansin
Kanta'y kinakaya kahit na baluktot
Masakit sa tenga, parang sinusundot

Transistor radio kong ipinagmayabang
Kahon ng sapatos, gano'n kalaki 'lang'
Ang tape recorder na una kong ginamit
Kahon ng typewriter, iyon ang kawangis
Ay mayabang na ko at lagi kong bitbit
Sila'y lumiit pa't hindi natagalan
Pinagsama sila at naging two in one
Laging nakasukbit, tinawag na walkman
O kaya ay cassette, kay sarap pakinggan
Ang tape ay nawala, CD ang pumalit
Sila'y wala na rin, sila'y na-obsolete
Ng iPod na modern, totoong maliit
MP3 at flash drive na rin ay dumating
Hindi ko malaman kung ano ang alin

Kahit ako'y takot, merong technophobia
Sa YouTube ay nakikinig ng musika
Naki-high tech na rin, kahit matanda na
May earphone sa tenga, may cellphone sa bulsa
Kung ako'y maglakad, paindak-indak pa
Cellphone ko ay high tech, may features pang iba
And just to name a few, internet, camera
Meron akong textmates, hindi chicks, 'Ay sayang! '
Kundi mga tulad kong matanda't gurang

poem by Pacific HernandezReport problemRelated quotes
Submitted by Poetry Lover
Vote! | Copy!

Share